Saturday, August 23, 2008

hustisya para sa isang kaibigan!



Hindi kaila sa atin ang brutal na pagkamatay ni Rue Ann Salvador, 29, tubong General Santos City sa Mindanao at nagtatrabaho sa Pacific Business Group bilang bagong promote na call center supervisor sa Net One Bldg., The Fort, Makati City.

Mag-iikaanim ng umaga ng matagpuan ang kanyang katawan sa Pinyahan, Quezon City, Agosto 18, 2008. Duguan at puno ng saksak sa leeg na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. Balot ng isang uniporme ng taxi driver na kulay asul. Tanging ATM card at ID lamang ang kasamang narekober sa kanyang katawan.Walang nakakita kung sino ang gumawa. Pawang mga haka-haka lamang at pagkukumpara sa hawig na insidente gawa ng sinasabing "Ipit Taxi Gang".

Ito nga ba ang totoong istorya?

Magmula sa labas ng kanyang tinitirhang village sa Taguig, lumabas ng bahay si Rue Ann bandang 11:45 ng gabi upang makarating sa kanyang trabaho. Midnight shift sya at malapit lamang ang Netone building sa kanyang tirahan. Hindi lalagpas ng sampung minuto kung lalakbayin sakay ng taxi na syang kinagawian ng sakyan ni Rue sa tuwing papasok sa trabaho.

12:17 A.M. nag withdraw ng pera si Rue. 3000 piso na ipadadala sa magulang nya para sa pagcelebrate ng ika 30th wedding anniversary ng mga ito. Inubos nya ang laman ng kanyang card. Kadalasan na malaking pera ang pinadadala nya sa pamilya bilang suporta na rin sa mga kapatid na pawang nag-aaral.

12:20 A.M. Tumawag ang isang kasamahan sa trabaho dahil sa pagkahuli ni Rue sa trabaho na hindi nito madalas gawin. Sumagot ng telepono si Rue. Sinabi nya na nagmamadali na sya at papunta na ng opisina. Walang bakas ng pagkatakot. Walang himig ng peligro. Ngunit sa background ay mga boses ng lalake.

Alas tres ng umaga... hindi pa rin dumarating si Rue. Tumawag ng makailang ulit pa ang mga kasamahan sa trabaho.. subalit pawang mga pagtapik sa telepono ang kanilang naririnig sa tuwing sasagutin ang kanilang tawag. Matapos nito ay may lalakeng sumagot na nagpakilalang kasintahan ni Rue at sinabing nasa Bulacan ito. Ito ay isang paglilinlang o paglito sa mga kasamahan ni Rue sa opisina sapagkat siya ay isang konserbatibong babae na hindi kailanman nagkaron ng kasintahan.

Makalipas pa ang ilang saglit, isang mensahe ang kanilang natanggap mula sa celphone ng biktima na naglalaman ng plate number PGW 523. Ito na ang huling beses na nakontak ang telepono. Hindi ito narekober subalit nagriring pa bandang alas nuwebe ng uamga.

Madadaanan ang isang bangko bago makarating sa building nya si Rue ngunit pinabulaanan ng kanyang bangko na dito nag withdraw si Rue. Sa ibaba ng kanyang building ay may ATMachine.


Tanong:

  1. Sa oras na 12:17 , nakapagwithdraw pa si Rue at nakausap ng kasamahan sa trabaho. Hindi kaya nakarating ng building nya si Rue kaya hindi sya nagpakita gn takot ng makausap nya ito?
  2. Kung nakarating sya ng building. Bakit walang nakakita? Nasaan ang tatlong gwardya na dapat sana ay nagbabantay ng mga oras na yon?
  3. Kung ang shift na 6pm-6am ng mga gwardya ay may break na 12midnight, sino ang nagbantay sa banko? Walang camera ang labas ng banko. Ibig sabihin ba nito ay wala ring bantay sa labas?
  4. Maliwanag ang kanto ng building ngunit ayon sa security guard ng katapat na gusali, na sarado na ng bandang alas dyes ng gabi, hindi nila mapapansin kung sino ang nag wiwithdraw kung hindi nila tititigan. Sino pa ang nakakaalam ng impormasyon na ito? Sa isang call center area, bakit wala man lamang nakakita ng pangyayari?
  5. Kung hindi sya nakarating ng building... bakti nakapag withdraw pa siya ng 12:17 ng umaga? kung sa paglabas nya ng bahay ng 1145 ay dapat lamang na nasa building na sya ng eksaktong alas dose at ayon pa sa mga kasamahan sa trabaho ay hindi ito karaniwang nahuhuli sa trabaho.
  6. Kung may boses ng lalake sa background ni Rue sa oras na tinawagan sya at hindi man lamang sya nag-alala. Hindi kaya kilala ni Rue ang mga lalakeng yon?
  7. Kung talagang taxi driver ang may sala, bakit hindi tanungin ang operators ng taxi na may kulay asul na uniporme kung sino ang nag abandona ng araw na yon at sino ang hindi makapagbigay ng boundary ng magkasunod na araw?
  8. Nang matagpuan ang bangkay ni Rue dakong alas singko y medya, dineklara ng SOCO na may higit kumulang apat na oras na itong namatay. Kung ganon, ano ang pakay ng mga killer sa pagbibigay ng plate number na iyon? Bakit magkakaibang sasakyan ang lumalabas na nakarekord sa plakang PGW 523?
  9. Ano ang ginagawa ng pulis sa ngayon? Bakit walang nangyayari sa kaso?


Ito ay pawang mga katanungan lamang na naghahanap ng kasagutan. Ngunit tila ang hustisya ay mabagal ang pag-usad. Kailangan pa ba nating magbayad para lamang sa katarungan ng isang mahal na kabigan?

Kung ito ang kalakaran. Sige.. akin ang paunang bayad na tatlong daang dolyar para sa pagdakip ng mga buhong na pumaslang sa babaeng nagmahal lamang sa lahat.

Sino pa ang nakahandang hanapin ang katotohanan?

Mag-iwan lamang ng mensahe sa ibaba ng blog na ito at magpledge ng kahit anong halagang pabuya sa magtuturo sa mga salarin.

Sinumang may nalalamang impormasyon o makapagtuturo sa mga salarin ay mag-iwan lamang ng mensahe sa celphone number 09085278410. Matatanggap mo ang bayad anumang oras na mapatunayang totoo ang impormasyon na matatanggap mula sayo. Hinhintay ng lahat ang katarungan.



Isang nagmamalasakit


45 comments:

Anonymous said...

nakakatakot naman. sorry sa nangyari sa kaibigan mo. ipapanalangin kong mahanap ang mga gumawa ng karimarimarim na ito.

Anonymous said...

There is no word to describe the pain I have in my heart. The killers should be nailed down and jailed for killing her. Let us condemn this kind of violence.

" Mga hayop kayo! Mga walang awa! Hindi kami titigil hannga't di kayo nahuhuli!"

I am adding ten thousand pesos for the capture of her killers.

Anonymous said...

Ang kayang patayin nyo lang ay ang katawan ni Jaggy.Pero sa oras na sentenciahan kayo ng Diyos, katawan at kaluluwa nyo ang isusunog nya sa impyerno! Kaya mag-isip2 na kayo mga demonyo kayo..sumuko na kayo sa pulisya mga walang hiya kayo! Akala nyo parang pusa lang ang pinatay nyo? Kayo namang may alam sa nangyari, nawa usigin ang inyong budhi at di kayo makatulog habambuhay hanggang di nyo sinasabi ang mga nakita't narinig nyo tungkol sa nangyari. Huwag kayong matakot.Maikli lang ang buhay natin para sayangin sa pagdepensa sa mali. Lahat tayo ay magbibigay husay sa Diyos. Tandaan nyo yan.

Anonymous said...

m just a friend of jaggy's close friend..

from the time i heard about the news, parng nag gogoosebumps ako.. it's like kilala ko sya pero hindi. (never in person and in new technology communication).

all i know is that she is pure and has a very kind heart na di mo mapicture and ma-imagine kung bakit ganun ang ginawa sa kanya.

she is always in my prayers. and also praying that justice will be achieved.

Anonymous said...

Ang mga klase ng tao na nsa likod ng krimen na ito ay mga demonyo! Ndi kayo makakatakas sa batas lalo na sa mata ng DIYOS dhil nung gabing un, kita ng DIYOS kng ano tlga ang ngyari. NDI KAU PAPATULUGIN NG INYONG KUNSENSYA, the day I read the news,I felt so sad,though I dont know her personally. My condolences to the family and friends of Rue Ann left behind,and I am praying that justice be served the soonest.

Anonymous said...

I'm adding a thousand pesos for the witnesses to speak up. Kung mapaniwala nyo kami at maikulong yun, another 3,000 pesos. Kahit wala akong trabaho ngayon, I had that amount reserved for my friend's justice. Malaki-laki din yan.Actually, yung pinaka premyo mo dun is your peace of mind. Yung makakatulog kang walang pinapasang mabigat sa isip. Malaking premyo ng buhay yan. Daig mo pa ang milyonaryo.

Anonymous said...

We are sorry for the loss. I hope we can help in our little way. Let us know how we can send money for this. We can only give two thousand pesos for now.

May her soul rest in peace and may justice be served.

J.A.

Anonymous said...

Jaja is not only a friend, but a family whom I can say the rarest to find. She's one of a kind that you'd regret loosing her. Which is why it's still hard to accept that she's gone.

We've said our prayers and sang songs for you Ja, we knew you have your happiest moment now with our Lord.

We may not have talked for months, but in my heart...you are still a very best friend.

I've already whispered to Lucca what happened, must be the reason why si Buboe mo has been so weak in the past days. I will never forget those days where we spent our time at home and with Lucca. Your high-pitched tone keeps ringing in my ears every time you're looking for Lucca. Later did I realized that I'm already mimicking you.

Thank you so much for being my sister, my friend, my fashion consultant and all...

Our prayers are for you, hope justice will be served soon.

Anonymous said...

Condolences sa pamilya at kaibigay ni Jaggy.

I hope those who can donate money will consider getting a private investigator. Mahirap talaga i-asa sa kapulisan.

Anonymous said...

i have i couple of friends who can help us with the investigation. I hope they can help speed it up or get some more info about it. anyone who has any lead or any info about jaggy's death can email me at wex_syjueco@yahoo.com. or call me at 09207438703.
any kind of info you can give me will be greatfully appreciated.
do not worry, your identity will be protected as our top priority.

I am one of jaggy's closest friend way back when she was still working in our center. i can still remeber how she dress up so uniquely.. she's a discreet young lady.. she doesnt deserve this kind of death..


alphawex

Anonymous said...

Ang hirap magsalita lalo na kapag mahal mo ang taong nawala sa yo... So it took a lot of thinking para magkaroon ng sense ang sasabihin ko...

One thing, is was never Rue Ann who withdrew all the money from her ATM, they were the bloody killers who pushed Rue to give them her PIN...

Hindi pa sila naging masaya, they even tried to rape her, for sure manlalaban si Rue, she would never give up something she really valued. I could attest she never had any boyfriend nor sexual activities, simply put she's a virgin.

So if its money and sex these bloody killers wanted, well here's to you and to those who know them...

Hindi 3000 pesos and value ng buhay ni Jaja, pero willing akong magbigay 10 folds of what they've got from her + more money to satisfy your sexual cravings, magkano lng ba worth ng isang pokpok?

So anyone who knows anything, kindly give any little information where we can catch these demons, nagmamakaawa ako sa inyo. Don't think only of Rue Ann's life, it could be anyone, na pwede pa nilang maging biktima. It could be you or ung taong mahal mo rin..

Anonymous said...

I pray for justice for Jaggy. I dont know her personaly but from what i hear and read, i know that shes a genuine person. Shes a person of a pure heart. Shes doesnt deserve this. What kind of demons did this to her. God will take care of them. They will rot in hell. Theyre not going to have peace of minds. Theyll be haunted by their animalities. God will punish them. Whoever did this would suffer. I pray for Jaggy and her family. May her soul rest in peace and her family have peace in their hearts as well. I pray for justice. I pray for the people of authority to start acting and moving and just do whats right. Id like to know how i can help financially. I can contribute a small amount.

Anonymous said...

Jaja was my classmate way back in college. She was more than a wonderful person, she was always kind and friendly,

Our greatest sympathy to Salvador family. Our sincere thoughts and prayers are with you.

Anonymous said...

masasabi ko na medyo kilala ko si "Jagurl" (as she is fondly called). noong una kung narinig at nakita ang balita, nagulat ako at naawa...pero noong nalaman ko na si rue yun....nainis ako at nanghinayang. imagine kung paano sya brutally pinatay. ayos na sana kung ninakawan lang pero ang patayin pa parang sobra na ata yun. ang dami tuloy tumatakbo sa isip ko....1) kung taxi driver nga yun, ang hirap na pala talaga ng buhay ngayon noh? dahil sa kakarampot na kita at sa super taas ng mga bilihin mantakin mo ang naisip nyang paraan upang may maiuwing sobtang pera para sa pamilya nya....ngunit pareng tsuper mali naman ata ang ideyang patayin mo pa ang kaibigan namin. 2) maaring mga lalaki yun na ngtrip lang...alam mo na talamak ang droga ngayon....pero trip pa rin ba yun na saksakin mo ang walang kalaban-laban na babaee ng ilang beses sa leeg? sobra naman atang HIGH yun. 3) hindi kaya kakilala nya yung taong yun? or hindi kaya malaki ang galit noong taong gumawa nun? or di naman kaya work related? Eh kasi, sa pagkakaalam ko ang hinahawakan na account ni rue is STOCKS....at mukhang ang kumpanyang kanyang pinahtatrabahuan eh.....ewan ko.

mga pare, kung sino man kayo...hindi man kayo sumuko, lituhin mo man ang imbestigasyon, magpakasaya ka man sa nagawa mo....tandaan mo lahat tayo may konsensyang uusig sa atin....ewan ko na lang sau kung may natira pa...after mong patayin ang kaibigan ko.

Anonymous said...

Nakakalungkot talaga ang nangyari sa kanya. To think na hanggang ngayon ay nde pa nakukuha ng pamilya nya ang perang pinangako sa pamilya ng kanyang dating kumpanya.

Nong una kasi ang pangako ay pambayad sa funeral expenses ni Jaggy hanggang sa mailibing sa gensan, backpay ni jaggy at 3 buwang sweldo, kakarampot na pera para sa buhay ng isang taong matapat na naglingkod. Na promote pa nga sya di ba? Bakit ganon? pinagtataguan na ang pamilya. Kung ano anong alibi, kesyo wala sa opisina ang attorney, ngayon may sakit... walang kwenta!

Hindi na nila inasikaso ng maayos sa punerarya... feeling hero pa ang mga walangya! O baka naman pabulaanan pa nila. Kamp Karingal ang nagpadala ng bangkay ni Jaggy sa Prudential at nde na naalis don. Nagbida pan sila na ililipat. August 19 na ng 5:30pm nakarating ang attorney at mga dapat mag asikaso sa punerarya prudential. At anong sabi? Mas okay naman dito kesa sa Don Bosco! Wow! ANg galing! Pwe! HIndi ka nga nagpadala agad ng bulaklak man lang. AT ang pangako nyo.. di na nyo tinupad. Nakakahiyang kumpanya!

Huwag nyong intayin na ganyan din ang mangyari sayo. Napaka kapal nyo!

Anonymous said...

Kung kaya ninyong ma-establish na nag-withdraw si Jaggy ng 12:17, kaya nyo ding matiyak kung saang bangko at saang branch siya nag-withdraw. I doubt na sa office building nangyari iyon. What's the point of being late for work para lang mag-withdraw sa madaling araw, hindi mo naman maipapadala iyon sa GenSan sa disoras ng umaga. At kung doon siya sa building nila nagwithdraw, magta-time-in muna yun bago mag-withdraw para hindi siya late, no?

Kailangan pa din imbestigahan yung plate number na binigay, for whatever leads na maaring makuha, sabihin man natin na hindi si Jaggy ang nag-text nun.

Masakit man aminin, pero ang pawang katotohanan ay dito sa atin, pera at media lang ang makapagpapakilos sa kapulisan para asikasuhin ito.

Anonymous said...

she don't deserve to go this way. she's an angel and for sure KARMA will come and get those responsible.
it's over whelming, words cant even discribe whats in my heart rightnow. i am thankful and greatful for her friends that's all here today specially YOU who have'nt slept a wink yet ever since her death trying to put all these together to bring justice for Rue Ann.you're one TRUE friend:)and
together we will help find the monster that did this. we aLL need to be strong and focus so she finally can rest peacefully.
and help will be western union to you...goodluck ad god bless us all!

Anonymous said...

A friend of mine who happens to be Rue's officemate and close friend told me about the incident and I was surprised about the story he had compare to what was reported. He also shared this blog to me and I felt really, really sorry about what happened. I can feel the pain that her friends are having right now in their heart of loosing such a good person.
Sa mga killer(s), sana lang huwag niyong hintaying mangyari sa inyo o sa mga mahal niyo sa buhay yung ginawa niyo, bago niyo malaman kung gano kasakit sa mga kamag-anak at mahal sa buhay ni Rue Ann yung nang yari. Pero sa kin, hindi na dapat bigyan ng chance yang mga yan, dapat let them experience the pain and the sufferings Rue Ann experienced. They don't have the right to take other's life.
To Rue Ann; though I don't know you personally, but the way my friend describe you as a person I can figure out how good you are as a person and how kind you are to your friends. May you Rest In Peace Angel Rue Ann....

Life is too short let's appreciate every single moment we had with our friends and love ones..

BAZTARDO

Anonymous said...

condolence sa pamilya at mga kaibigan... sobrang nakakatakot ang nangyari kay jaggy dahil ako din ay nagtatrabaho sa call center, di maiwasang mabahala. Sana makilala na ang totoong maysala! Hayaan natin na ang Diyos ang magbigay parusa sa mga taong asal hayop.

Anonymous said...

I am in deep pain and still mourning over the loss of a dear friend. I miss her a lot and the memories, a sweet torture. May justice be served for family and friends of Jaggy.

Anonymous said...

Sa nag comment nito:

Kung kaya ninyong ma-establish na nag-withdraw si Jaggy ng 12:17, kaya nyo ding matiyak kung saang bangko at saang branch siya nag-withdraw. I doubt na sa office building nangyari iyon. What's the point of being late for work para lang mag-withdraw sa madaling araw, hindi mo naman maipapadala iyon sa GenSan sa disoras ng umaga. At kung doon siya sa building nila nagwithdraw, magta-time-in muna yun bago mag-withdraw para hindi siya late, no?




Sagot ko:

Obviously, hindi kayo close ni Rue. Hindi mo alam kung bakit kelangan nya aga magwithdraw? O defensive ka dahil don ka nagtatrabaho?

OO... 12:17 nga. Ang mabuting journalist at writer, bago magsulat... naghahanap ng ebidensya. Inaalam kung alin ang dapat at hindi dapat ilagay sa proteksyon ng manunulat at ng iba pang tao na nagbigay ng impormasyon.

Nagbasa ka ba? Natawagan pa nga sya after 12 at wala pa rin sya sa opisina.... so sister! Hindi sya nag time in. Sinong tanga ang magtatime-in muna sa 8th floor at bababa sa ground floor kung late na nga?

Plate number? Naimbestigahan na. Unang araw pa lang. At ang sagot. HIndi yon. Ikaw ba, magtetext ka ng sarili mong plate number?

Wag ka mag-alala.... pag may lead na, pag may updates na... balik ka dito... basa ka uli.Baka sakali ang comment mo ay yung tipong constructive na. In short, kung di ka rin langmakikiramay... gamitin ang utak bago magkomento!

Ang kailangan namin dito ay suporta. Lahat ng nabanggit sa blog ay may pinagbasehang ebidensya mula sa awtoridad na hindi maaaring ilagay dito para sa imbestigasyon.

(Naku Jaggy, pasensya na.. maraming callous sa mundo!)

Anonymous said...

am so terribly sad about d news..Jaja was so sweet and kwela way back our college days in UP Visayas..a very conservative and a big hearted person..In fact, she was one of my companions doing outreach projects in Iloilo. I couldn't imagine the brutality and cruelness she experienced with the criminals..Jaja, doesn't deserve this!!! Ja, i'll be praying for u...for ur justice..and for ur family...

Anonymous said...

its almost 20 years na d kami nagkita ni jaja pero friends kami during childhood days. I still remember her as a gentle soul. She is also brilliant. Kaya d ako nagtataka na na promote sya sa work. Mabait na kaklase,kaibigan, kalaro, at kakulitan. I was really shocked when i heard the news about her tragic death. I was deeply saddened by the incident. Kung sino man ang may kagagawan, i'm sure pagbabayaran nya. D natutulog ang Diyos. Kahit mailap ang hustisya sa mundo lalo na sa Pilipinas, I know justice for jaja will prevail by God's grace. All i can offer is my prayers. Sana lumabas na ang katotohanan sa lalong madaling panahon. Nakikiramay ako sa mga naiwan ni Jaja. God bless you all. May God give you strength to overcome your grief over the great loss of a good daughter.

Anonymous said...

we all leave it to the will of god....whatever may be..we firmly believe that those who did such bullshit killing will repay more than their lives....we know its hard to have justice as fast as we can but in our prayers..it will be not to soon..with the help of jagurls soul...she will make a way that it will be serve with sizzling plate in our table and we will rejoice...goodluck to killers conscience.....from the moment jagurl will be buried..it will be a start of ur journey to ur finding peace of mind....isinusumpa namin lahat...lahat ng pamilya at kaibigan at ng buong mindanao ay bubulong ng hustisya na syah na ang gagawa bago syah ilibing..we will believe for that strongly na kahit di na namin mag effort mag painvistiga...matatahimik rin syah at kami rin........

Anonymous said...

anyway pahabol, we have some leads nah..all of us here friends and families able to jump in a conclusion na its not ipit taxi gang ang culprit...their are people behind whom jagurl knows them so much....wow....we dont care even u own half of the world...basta bahala na kau na for life uusigin kau ng sarili nyo consyensyah...wawa naman kau..effortless and ganti sau..but in fairness mas worst....thats true..believe me.....swear....alleluyahhhhhh..amen...

Anonymous said...

I don't personally know Ms Rue Ann...But i'm a friend of her friends...I'd really like to help...Would you mind if i get assistance from the media (i.e abs-cbn, gma)? I believe this will help expedite the investigation.

Anonymous said...

I don't personally know Ms Rue Ann...But i'm a friend of her friends...I'd really like to help...Would you mind if i get assistance from the media (i.e abs-cbn, gma)? I believe this will help expedite the investigation.

Anonymous said...

We will come any help you can extend to solve the case. As a matter of fact, last night, at TV Patrol World, there was a news about 4 robbers pretending to be security guards who have admitted to have done such acts. If anyone here knows how to get in touch with the police about this case, please ask them to get a skin sample of the robbers for DNA testing. There were skin tissues found in Rue Ann's nails which might have been scratched from her perpetrators.


We are asking all of you out there to please help us.

Anonymous said...

all my prayers for her. Justice will surely prevail.

Anonymous said...

may our prayers will be heard....and not to soon...everything will be okay and justice will be serve...so jagurls soul will be peacefully resting with happiness to god.....
lets help each other.....lets do in our most significant way how to trace those killers.....

Anonymous said...

im sure may nakakita sa pinyahan q.c kung saan syah tinapon..natatakot lang sila magsalita......sana lang magkaroon sila ng lakas ng loob....

Anonymous said...

star fish,

it took me a while to comment. hanggang ngayon in denial pa rin ako sa nangyari. things could have been different if i were there.

i missed you a lot. and i know you are in a happier place right now. you have a pure heart.

may justice be served.

- cabbage star

Anonymous said...

in due time... in due time.

mahuhuli rin kayo.

we will never stop until justice is served.

mark.our.words.


--t.b.

Anonymous said...

any updates about her case? i used to work with her at a call center in Buendia..i always check this blog to get updates..and always, she's included in my prayers tho we barely know each other..

Anonymous said...

jaja is a friend of mine..music brought us together during our UP days (same course and we stayed in the dorm together)..magkakasama kami nina jesse joann badet babsy..biba and girlie, friends and roommates niya..i have known just now and i still can't believe..si jaja ba talaga ito? i am in tears but on the other side, i know each one of us will face eternal life after our good days here on earth..i just hope we all make it to heaven to be reunited again, not just with jaja but with our dear God..to jaja's close friends now, i will appreciate if id get an update from you (myn mail ad : touchingwaters7@yahoo.com)..thanks and Jesus loves us all (He is the way to heaven) - luisa

Anonymous said...

ja, each passing night naaalala kita.. i remember those days na roommates tayo sa UP BalayIlonggo...your laughter..your stories..yong ingay natin... i miss you so much...just the thought that ill never see you in this life again... sobrang masakit...- biba

Anonymous said...

what is the latest update on this case?

Anonymous said...

It's October 2 na and there's still no update....

jaggy said...

totoo! nakalulungkot isipin na pagkatapos ng halos dalawang buwan ng pagkamatay ni Rue, wala pa ring tiyak na hustisya para sa kanya.

Mga ilang araw ang nakalilipas ng may mabaril na miyembro ng Ipit Taxi Gang sa UP VIllage, Quezon City.

Ayon sa ABS-CBN, maaaring ito ay may kinalaman sa sa kaso ni Rue.

Nais kong magdiwang kung ito na nga ang hustisyang hinihintay nating lahat. Subalit habang walang malinaw na deklarasyon ay hindi mawawalay sa isip natin na maaaari ring hindi ito dapat iugnay sa kaso ng ating kaibigan.

Ang nangyaring barilan sa pagitan ng Ipit Taxi Gangat pulis isang linggo na ang nakararaan ay nagpakita ng isang driver na sapilitang itinali, may busal at ikinulong sa loob ng trunk ng taxi na inagaw ng mga suspects. Smanatalang walang "iabng" driver na nainvolve sa kaso ni Rue. Ni walang ibang nagnais na magbigay linaw sa "totoong" pangyayari.

Dahil na rin sa layo ng Gen. Santos City, nde mafollwo up ng kamag-anakan ni Rue ang kasong ito sa Maynila.

NI ang kumpanyang pinagtrabahuhan ni Rue ay wala na ring pakelam sa kanya. Gumastos ang kanyang kumpanya ng 140 thousand pesos para sa package na binayaran sa Prudential Funeral Parlor nong Agosto 18. Ang kasama dito ay ang embalsamo, 3 araw na paglalamay, casket at air transit. ANg sweldo na naiwan ni Rue ay hindi na naibigay ng kumpanya. AT ayon sa aming resouorce ay hindi na balak pang ibigay ng kumpanya. (nakausap sa telepno ang may-ati ng kumpanya at nagsabing "we already issued a check for Rue").

Kayo na lang ang maghusga.

Anonymous said...

may update na sa kaso... pls call 921 6146... ask about Rue Ann Salvador's case.

Kat said...

talaga? ano daw update?

Anonymous said...

Our prayers are for you, Rue Ann. May you find eternal peace, May the Lord God bless your soul..

Anonymous said...

2 of her killers were already gunned down a month after her death. Unfortunately, one is still at large but the police has already closed her case since no one has made any follow up.

There was a witness to the crime and he knows where the murderer is... if only we will try to make them re-open her case.

Anonymous said...

Condolences..

Anonymous said...

I need Justice! Justice I need!