Saturday, August 23, 2008

hustisya para sa isang kaibigan!



Hindi kaila sa atin ang brutal na pagkamatay ni Rue Ann Salvador, 29, tubong General Santos City sa Mindanao at nagtatrabaho sa Pacific Business Group bilang bagong promote na call center supervisor sa Net One Bldg., The Fort, Makati City.

Mag-iikaanim ng umaga ng matagpuan ang kanyang katawan sa Pinyahan, Quezon City, Agosto 18, 2008. Duguan at puno ng saksak sa leeg na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. Balot ng isang uniporme ng taxi driver na kulay asul. Tanging ATM card at ID lamang ang kasamang narekober sa kanyang katawan.Walang nakakita kung sino ang gumawa. Pawang mga haka-haka lamang at pagkukumpara sa hawig na insidente gawa ng sinasabing "Ipit Taxi Gang".

Ito nga ba ang totoong istorya?

Magmula sa labas ng kanyang tinitirhang village sa Taguig, lumabas ng bahay si Rue Ann bandang 11:45 ng gabi upang makarating sa kanyang trabaho. Midnight shift sya at malapit lamang ang Netone building sa kanyang tirahan. Hindi lalagpas ng sampung minuto kung lalakbayin sakay ng taxi na syang kinagawian ng sakyan ni Rue sa tuwing papasok sa trabaho.

12:17 A.M. nag withdraw ng pera si Rue. 3000 piso na ipadadala sa magulang nya para sa pagcelebrate ng ika 30th wedding anniversary ng mga ito. Inubos nya ang laman ng kanyang card. Kadalasan na malaking pera ang pinadadala nya sa pamilya bilang suporta na rin sa mga kapatid na pawang nag-aaral.

12:20 A.M. Tumawag ang isang kasamahan sa trabaho dahil sa pagkahuli ni Rue sa trabaho na hindi nito madalas gawin. Sumagot ng telepono si Rue. Sinabi nya na nagmamadali na sya at papunta na ng opisina. Walang bakas ng pagkatakot. Walang himig ng peligro. Ngunit sa background ay mga boses ng lalake.

Alas tres ng umaga... hindi pa rin dumarating si Rue. Tumawag ng makailang ulit pa ang mga kasamahan sa trabaho.. subalit pawang mga pagtapik sa telepono ang kanilang naririnig sa tuwing sasagutin ang kanilang tawag. Matapos nito ay may lalakeng sumagot na nagpakilalang kasintahan ni Rue at sinabing nasa Bulacan ito. Ito ay isang paglilinlang o paglito sa mga kasamahan ni Rue sa opisina sapagkat siya ay isang konserbatibong babae na hindi kailanman nagkaron ng kasintahan.

Makalipas pa ang ilang saglit, isang mensahe ang kanilang natanggap mula sa celphone ng biktima na naglalaman ng plate number PGW 523. Ito na ang huling beses na nakontak ang telepono. Hindi ito narekober subalit nagriring pa bandang alas nuwebe ng uamga.

Madadaanan ang isang bangko bago makarating sa building nya si Rue ngunit pinabulaanan ng kanyang bangko na dito nag withdraw si Rue. Sa ibaba ng kanyang building ay may ATMachine.


Tanong:

  1. Sa oras na 12:17 , nakapagwithdraw pa si Rue at nakausap ng kasamahan sa trabaho. Hindi kaya nakarating ng building nya si Rue kaya hindi sya nagpakita gn takot ng makausap nya ito?
  2. Kung nakarating sya ng building. Bakit walang nakakita? Nasaan ang tatlong gwardya na dapat sana ay nagbabantay ng mga oras na yon?
  3. Kung ang shift na 6pm-6am ng mga gwardya ay may break na 12midnight, sino ang nagbantay sa banko? Walang camera ang labas ng banko. Ibig sabihin ba nito ay wala ring bantay sa labas?
  4. Maliwanag ang kanto ng building ngunit ayon sa security guard ng katapat na gusali, na sarado na ng bandang alas dyes ng gabi, hindi nila mapapansin kung sino ang nag wiwithdraw kung hindi nila tititigan. Sino pa ang nakakaalam ng impormasyon na ito? Sa isang call center area, bakit wala man lamang nakakita ng pangyayari?
  5. Kung hindi sya nakarating ng building... bakti nakapag withdraw pa siya ng 12:17 ng umaga? kung sa paglabas nya ng bahay ng 1145 ay dapat lamang na nasa building na sya ng eksaktong alas dose at ayon pa sa mga kasamahan sa trabaho ay hindi ito karaniwang nahuhuli sa trabaho.
  6. Kung may boses ng lalake sa background ni Rue sa oras na tinawagan sya at hindi man lamang sya nag-alala. Hindi kaya kilala ni Rue ang mga lalakeng yon?
  7. Kung talagang taxi driver ang may sala, bakit hindi tanungin ang operators ng taxi na may kulay asul na uniporme kung sino ang nag abandona ng araw na yon at sino ang hindi makapagbigay ng boundary ng magkasunod na araw?
  8. Nang matagpuan ang bangkay ni Rue dakong alas singko y medya, dineklara ng SOCO na may higit kumulang apat na oras na itong namatay. Kung ganon, ano ang pakay ng mga killer sa pagbibigay ng plate number na iyon? Bakit magkakaibang sasakyan ang lumalabas na nakarekord sa plakang PGW 523?
  9. Ano ang ginagawa ng pulis sa ngayon? Bakit walang nangyayari sa kaso?


Ito ay pawang mga katanungan lamang na naghahanap ng kasagutan. Ngunit tila ang hustisya ay mabagal ang pag-usad. Kailangan pa ba nating magbayad para lamang sa katarungan ng isang mahal na kabigan?

Kung ito ang kalakaran. Sige.. akin ang paunang bayad na tatlong daang dolyar para sa pagdakip ng mga buhong na pumaslang sa babaeng nagmahal lamang sa lahat.

Sino pa ang nakahandang hanapin ang katotohanan?

Mag-iwan lamang ng mensahe sa ibaba ng blog na ito at magpledge ng kahit anong halagang pabuya sa magtuturo sa mga salarin.

Sinumang may nalalamang impormasyon o makapagtuturo sa mga salarin ay mag-iwan lamang ng mensahe sa celphone number 09085278410. Matatanggap mo ang bayad anumang oras na mapatunayang totoo ang impormasyon na matatanggap mula sayo. Hinhintay ng lahat ang katarungan.



Isang nagmamalasakit